Mahirap pala talaga pag closeted ang dine-date mo.
Andyan yung naiilang siya pag sinasabihan mo siyang ang cute niya pag magkasama kayo sa kainan.
Bigla siyang tatalikod o lalayo sayo habang nagyoyosi kayo kasi may dumaang kakilala niya.
Kailangan mong magpaalam kung pwede mo ba siyang ipakilala sa kaibigan mo bilang date.
At pag-dial mo ng number mo sa phone niya, pangalan ng babae ang lumabas.
Ayokong umabot sa puntong magboyfriend na kami tapos ipapakilala niya ako bilang kaibigan.
Hindi ako yung tipong tinatago. Ako yung tipong ipinagmamalaki.
Nung Sabado, may umamin sa akin na gusto niya daw ako. Nasa inuman kami nun. Hindi niya kakilala mga kainuman namin pero naglakas-loob siyang aminin sa harap nila na gusto niya ako.
Inikot niya ako sa UP Diliman nung Linggo. Nabanggit ko kasi sa kanyang di pa ako nakakapag-ikot dun. Naglakad-lakad kami, nag kwentuhan, nag food trip, nanood ng mga nagja-jogging. Nagtawanan kami at nagkulitan mula alas kwatro ng hapon hanggang alas nwebe ng gabi. Pagkatapos, hinatid niya ako sa Philcoa at pinasakay ng bus.
Nun ko lang ulit yun naramdaman matapos ang mahabang panahon. Yung walang pakialam sa iisipin ng iba. Yung hindi kailangang bantayan ang bawat galaw. Masarap nga pala ang pakiramdam ng ganun.
Nung inaaya niya akong maging kami, alam kong kaya niyang panindigan. Inaamin ko, muntik na akong pumayag.
Kaso naalala ko yung isa.
Naalala ko kung paano niya ako inalagaan nung may sakit ako.
Kung paano siya pumayag na ipakilala ko siya sa mga kaibigan ko nung pumunta kami sa Pahiyas.
Kung paano niya kinaibigan ang housemate ko na tinuturing ko nang parang kapatid.
Kung paano niya sinisikap na lumabas nang paunti-unti para sa akin kahit na natatakot siya.
Hindi man siya handang ipagsigawan sa buong mundo na gusto niya ako, hindi naman siya nagkukulang na sabihin ito sa akin, kahit pabulong lang.
Gusto niya talaga ako at gusto ko din talaga siya, pero hanggang saan kami dadalhin nun kung ganitong kailangan naming magtago?
Hay ewan. Itutulog ko na nga lang muna to.
Tanginang ulan kasi to. Nakaka-emo.
awwww.... ikaw na!!! hehehe. yiheee..... dun ka san ka mas masaya. :D
ReplyDeleteAng nakikita kong source ng stress, ay yaong mga bagay na gusto mo. Futuristic. Goal oriented. Egoistic. Pero bro, try mo lang to live by the moment. You'll see, baka mas magiging masaya ka/kayo. Just my two cents. :D
ReplyDeleteOMGsoeffincantrelate.
ReplyDeleteEmo ka dong? I wish a boy would also care for me when I'm sick. Pero exgfs pa lang ang nakakagawa.
Ayun.. Feelings man na nimo, ikaw ang bahala sa kung kang kinsa man nimo gusto. Kalisod pud sa situation nimo ui.
Haha, ingon ani gyud ang comment para wala silay masabtan. Ok gow.
This is very interesting Jap as it contradicts most of what I've been reading here in the blogosphere.
ReplyDelete.
.
Most, of them and sometimes including me, are much inclined to those who are closeted, who are very very discreet, yet here you are looking for the opposite thing.
.
.
I admire you for that. That's the real macho thing for me. Good luck with your dates ;D
hindi ba mas masarap at exciting yung medyo me complications friend?
ReplyDelete-rowell
@ron: haha. oo, sinusubukan ko ngayong isipin kung kanino ako mas masaya.
ReplyDelete@rah: i'm trying, pero di ko mapigilang gustuhin ng kasiguruhan. at eto nga, may someone else na. kaya mas complicated.
@green breaker: dili gyud ka ganahang makasabot sila? haha. ambot uy. lami unta'g dili ko niya ika-ulaw.
@db: in my case lang kasi, nalagpasan ko na dapat yung pagtatago stage. hay. ayoko lang sana danasin ulit.
ReplyDelete@rowell: friend, hindi lang siguro ito yung klase ng complication na gusto ko. yung relationship na hindi tinatago, may sariling complication din yun. yun yata yung mas kaya ko.
aang girl girl mo teh!!! ikaw na!!
ReplyDeleteanu kb?? wag mong isipin na itinatago ka at hindi ka ipinagmamalaki, hindi lahat ng bagay ay naka-tuon lang sa'yo teh, minsan ang usapan e kayo nang dalawa ang bida sa serye ng buhay nyo, isipin mo na lang na may mga bagay rin siyang ginagawa na mahirap pero ginagawa pa rin niya dahil mahalaga ka sa kaniya,,
tandaan mo,, ang isang mabait na tao, madaling mahanap,, pero ang isang tao na no matter what e u feel important na tagos sa puso, mahirap hanapin.. hihi..
Are you guys exclusively dating? Because if not, then you can actually date both.
ReplyDeleteTimbangin mo: Sino sa kanila ang mas gusto mo? Sino sa kanila ang nakikita mong mas tatagal ka sa piling niya?
Whoever you choose, you have a valid reason why you're dumping the other one.
i think mas issue dito ung idi-deny ka ng isang tao na parte ka ng buhay nila.
ReplyDeletemasakit un kasi sa mata nyong dalawa, kayo. pero sa mata ng iba, hindi kayo. hehe. ang gulo.
pero ang pinakasakit na pwedeng mangyari dito ay kung lalandiin siya sa harapan mo ng hindi mo kayang ipagtanggol ang karapatan mo bilang nagmamay-ari na sa kanya...
**hinugot somewhere in the past...
mas masarp pa din yung nahihinog ng kusa kaysa yung minamadali... *wink!
ReplyDeleteyihee! i wish you well.ipakilala mo sa kin yan sa white partey! :)
ReplyDelete@ceiboh: oo, alam ko naman yun. sobrang na-aappreciate ko yung effort niya. kaso eto nga, may dumating na di kailangan ng ganung effort. at gusto ko din siya. hay. ang hirap palang maging babae. churz.
ReplyDelete@joel: yeah, we kinda agreed that we're exclusive. i guess it's time to take that back. looks like there's no other way.
@palaban: yan pa! ayokong umabot sa point na yan. kaya din ayokong maging kami hanggat hindi niya kayang aminin na kami.
ReplyDelete@kaloy: akala ko sabi mo twink. lol. sana kasi sigurado akong mahihinog.
@nox: si closeted, hindi pupunta. yung isa, kilala mo. hehe. text moko kung gusto mo malaman kung sino. =P
Heto yung dahilan kung bakit ni release ni Kenny Rankin yung single niyang Hiding Inside Myself. Ay hindi ba? Ang akin eh, dun ka sa taong kaya kang panindigan. Pangit yung may taguan portion. Ano yun, kayo lang dalawa ang nakakaalam na kayo na talaga? Paano naging masaya yun? Kaya mo bang confidential ang relationship na binubuo niyo? Official na kayo pag kayo lang dalawa?
ReplyDeleteParang "You and me against the world, but they don't have to know." Yan ang eksena. Where's the fun in that?
Anyway, Nishi, Muahness from Pasig Cirehh!
Ayan. Ayan eksakto ang dilemma ko. Natumbok mo. Pero gusto ko pa din yatang subukan pa. Baka naman kasi mapagana namin. Pero baka subukan ko din yung isa. Para fair. Lol. Pwede magmaganda paminsan-minsan?
ReplyDeleteka-emo ba ani dong! hehe i-ampo nalang ni nako imong sitwasyon kay pagka-lisod man ^^
ReplyDeletelol. salamat nang.
ReplyDeleteKahit anong grandiyosong pangliligaw pa yan, isa lang ang tanging sinusunod—ang tibok ng puso. Cheesy! hahaha
ReplyDeleteyun o, gumaganun na. haha. may nagpapasabi pala, ang ganda daw ng chest mo. =P
ReplyDeleteAnother dilemma Nishiboy?
ReplyDeleteMy, my we do have a lot in our hands lately.
Ah yes, that dilemma of yours, are you ready to give up your beautiful and exquisite moments with him just because he is not yet comfortable with his sexuality?
We all have different stories of coming out, maybe he has not found a way to tell it yet...
awwww, Jason.
ReplyDeleteKung okay lang ba sa'yo na ganyan ang sitwasyon, bakit hindi subukan? dibey? hihi
Ayan, kaka-straight acting mo kasi sa YM lol. :))
Ikaw na, nish. You already. Hahaha.
ReplyDeleteAko dun ako sa closeted, just coz I'm a drama junkie :D
Sarap naman ng feeling ng pinagaagawan. Parang Edward Bella Jacob lang. hahaha!
ang hirap niyan! pero isipin mo ang long run at practical mode. hindi mo rin kasi pwedeng isipin kung ano lang ang makakapagpasaya sayo ngayon lang, kelangan mo isipin ang future. kung masusustain. basta.
ReplyDeleteIf you do continue to date him, I hope you remember we aren't in the business of changing people. He is who he is; and you shouldn't be with him thinking one day he will change for you.
ReplyDelete=)
Kane
@guyrony: yeah, his situation is complicated enough as it is. i'll just be an added complication pag naging kami. hay. but i really really like him.
ReplyDelete@ronnie: haha. di ka pa din talaga nakaka get over dun. =P
@miguel: di nga ako sanay eh. ngayon lang to nangyari sa akin. di ko tuloy alam kung ilulugay ko ba or ibe-braids. churz.
@nyabachoi: hay, i hate making grown-up decisions.
ReplyDelete@kane: yeah, i know. and i don't plan on asking him to change for me. if he decides to come out, it should be for him, not for me or anyone else.
Flattered. hehe I'm currently working on my biceps and abs. Ang hirap. Whew! Gym na naman bukas... Chet!!!
ReplyDeletehaha nice. next time zoom out na para masali din biceps at abs.
ReplyDeleteSino pala yung nagpapasabi Nish? Na-intriga ako. Hahaha
ReplyDeletelol. wag masyadong dibdibin. =P
ReplyDeletefriend ko. gay. hindi blogger.
Aw. Kala ko Destiny's Child. hahaha ^_^m
ReplyDeleteNISHI!!!! Naloka ako... Nakakainis ka talaga.... =) I like it when you verbalize my thoughts... =)
ReplyDeletehaba ng hair mo cupcake! hanggang dito sa antipolo, muntik ko na maapakan. bwahaha. :D
ReplyDeleteMaka-comment na jud ko. Phew.
ReplyDeleteAnyways, good luck with your new-found love. I'm sure you'll be able to work that issue out. Ikaw pa, expert! Haha ikaw na!
@erick: haha. di ko gets. lol.
ReplyDelete@vivi: haha. we have a lot in common siguro.
@cupcake: mali ka naman eh. ako si pancake, ikaw si cupcake. haha. ingat sa hair ko. churz.
@pyro: hay. apparently, dili ko expert. i-story nako later.
ReplyDeleteAhhhh. Na-touch naman ako Jap. Bilang medyo maypagka-nasa closet pa lang ako, I would suggest that you really consider Guy No.1. Hindi nga naman talaga madaling umalis sa comfort zone mo para sa isang taong mahal mo. Its a painful journey, reliving every painful moment in your life that hinder your coming out. I think naman siguro alam mo mini-mean ko.
ReplyDeleteAs for Guy No.2, to guts be the glory! Grabe, hanep din sa lamang loob si Koya. Saludo ako sa pagsuko niya ng pride niya masabi lang sa iyo, and note, sa harap pati ng mga taong di naman niya close. Amazing. Yun na siguro yung LOVE. Acheche.
Sige. Wag ka lang padalusdalos siguro. Yan lang mapapayo ko. Assess the situation. I think you have to tell both Guys about the situation. Hehe. Me thinks lang. Well, wala naman akong experience diyan. Pero di ko rin gaano trust sarili mong desisyon. HAHAHAHA. (Lumabas din ang punto ng comment eh!) Haha.
Baka tawag ng laman unahin mo ha! Wehe. In terms of using your head, seek counsel from what's inside your cranial vault.
sana dalawa ang puso natin ano? kaso iisa eh. kaya select the best na lang, wish ko na maging masaya ka sa choice mo.
ReplyDelete