Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Naka polo ako, maong na pantalon at itim na sapatos. Hindi ako sigurado kung akma na ba ito para sa kasal pero ito na talaga ang pinaka-pormal na kaya ko. Kung bakit ba kasi tinanggap ko pa ang imbitasyon ni Papa, eh hindi ko naman halos kilala ang ikakasal. Pero eto na, wala na akong magagawa. Napabuntung-hininga na lang ako habang palabas ng kwarto.
“Ma, pwede na ba tong pang-kasal?” tanong ko kay Mama na noon ay nanonood ng TV. Lumingon siya sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
“Pwede na yan,” sabi ni Mama sabay balik sa panonood. “Ikumusta mo na lang ako kay Miss Foundation. Naku, sana makilala mo siya. Baka sobra-sobra nilagay niya ngayon kasi kasal niya,” pahabol niyang hirit. Miss Foundation ang tawag ni Mama kay Ate Jen. Ang kapal daw kasi palagi maglagay ng foundation.
“O, aalis ka na?” dinig kong sabi ng stepfather ko. Pumunta siya sa may aparador, kumuha ng barya at inabot ito sa akin. “Eto, bumili ka muna ng pan de sal para may pang-regalo ka naman.”
Tumawa ako at tinanggap ang barya. “Salamat sa pamasahe. Sige, alis na ako. Pupunta na ako sa sakayan,” sabi ko bago lumabas ng pintuan.
Naglakad ako palabas ng subdivision namin. Diretso ng dalawang kanto, kanan ng isang beses at kaliwa ng isang beses. Pagdating ko sa sakayan ng traysikel, nandoon na si Papa, naghihintay sa kotse niya. Nasa harap si Tita Nona, ang kanyang asawa. Ngumiti ako sa kanila at sumakay sa likod.
“Kanina pa po kayo?” tanong ko habang palabas kami ng paradahan.
“Mga five minutes pa lang,” nakangiting sagot ni Tita. “Kumusta ka na? Anong kurso ba kinukuha mo?”
“High school pa lang po ako Tita. Sa Davao po ako nag-aaral ngayon,” sagot ko.
“Pisay yan. Napakatalinong bata talaga. Manang mana sa akin,” nakangiting sabi ni Papa.
Naging tahimik ang sumunod na kalahating oras habang papunta sa reception ng kasal ni Ate Jen. Oo, sa reception na ako pumunta. Nakiusap kasi ako kay Papa na wag na akong pumunta sa mismong kasal. Hindi kako ako komportable. Ayaw niyang pumayag nung umpisa pero napilit ko din siya. “Basta dapat andun ka sa reception. Susunduin kita sa inyo,” sabi niya nung huli.
Sa isang private resort dinaos ang reception. Yun lang yata ang private resort sa lugar namin. Nasa paanan ng bundok, madaming puno, may swimming pool at may social hall kung saan nagaganap ang sosyalan. Lahat ata ng reception ng mga kasal sa amin, dun ginaganap.
Pagdating namin dun, dumiretso si Tita Nona sa pag-aasikaso sa mga bisita. Si Papa naman ay umalis ulit at may kailangan pa daw bilhin sa bayan. Naiwan ako sa may pintuan ng hall, palingun-lingon, nagbabakasakaling makakahanap ng kakilala.
Napansin kong magarbo pala ang ayos ng lugar. Madaming bulaklak na nakasabit sa kung saan saan. Sa bandang harap ay may dalawang magkatabing upuan na may kung anu-anong nakapalamuti. Sa magkabilang gilid naman nito ay may dalawang mahahabang mesa na may ilang patong yatang tablecloth na iba't-iba ang kulay. Di tulad ng maliliit na mesang nakakalat sa loob ng hall, ang mga mesang iyon ay may nakahain nang pagkain. Hula ko, para sa mga kamag-anak yun, isa sa lalaki at yung kabila sa babae. Ibig sabihin dun ako dapat umupo sa isa sa mga yun. Ang problema, wala akong namumukhaan sa mga nakaupo sa kahit aling mesa.
“Jason!” may narining akong tumawag sa likod ko. Lumingon ako at nakita si Cathy, isang dating kapitbahay, anak ng kumare ni Papa. Nakaupo siya sa may mesa malapit sa pintuan. Napangiti ako, buti may kakilala pala ako. Lumapit ako sa mesa nila ng mga kasama niya at nakiupo.
“Asan si Tita?” tanong ko kay Cathy pagkaupo ko.
“Nasa bahay, inaalagaan si Papa. Hina-high blood na naman kasi. Eh si Papa mo naman, asan?” tanong niya naman.
“May binili lang sa bayan. Pero pabalik na din yun,” sagot ko.
“Ayan na pala siya eh,” bilang sabi ni Cathy sabay turo sa pintuan. “Hinahanap ka yata niya. Tawagin mo.”
Palingun-lingon si Papa. Mukhang hinahanap nga ako. Sandali akong nag-isip bago ko siya tinawag. Baka kasi palipatin niya ako ng mesa.
“O Jason, bakit andito ka?” tanong niya sa akin pagkalapit. “Doon tayo sa mahabang mesa sa kaliwa.”
“Eh Pa, dito na lang ako. Ayokong umupo sa harap,” sagot ko. Pero umiling si Papa at hinila ako patayo. “Dun ang pamilya natin kaya dun ka,” pagpipilit niya.
Binati agad ako ng mga nakaupo doon pagdating ko. Kilala pala nila ako.
“Jason, hindi mo ba ako naaalala? Ako si Tita Nelia mo. Madalas kitang alagaan nung baby ka pa.”
Paano ko naman kaya maaalala yun?
“Jason, naaalala mo pa ba, magkalaro tayo palagi pag pumupunta ka sa bahay ni Tita Sora.”
Mga dalawang beses lang yata ako nakapunta sa bahay ni Tita Sora.
“Ako, malamang naaalala mo pa. Madalas tayong mamitas na aratiles dati sa likod ng bahay ng Papa mo.”
May aratiles pala sa bahay ni Papa?
Sunud-sunod ang mga tanong at kwento nila. At sunud-sunod din ang mga sagot kong “Ah oo nga”, “Parang naaalala ko nga yan” at “Opo, ako nga po yun”. Pero sa totoo, kahit anong subok kong tandaan ang mga kwento nila eh wala talaga akong maalala. Natigil na lang ang kwentuhan nung nagsimula nang kumain.
Pagkatapos ng kainan, dumiretso agad ako sa labas. Umiwas na ako, baka kasi kausapin na naman nila ako at mabisto na nilang hindi ko talaga sila maalala. Naglakad lakad ako sa may garden. May mga taong dun kumakain at meron ding mga nakatambay lang.
“Ah oo, yan yung anak ni Mario sa labas. Bakit andito yan?” narinig kong pabulong na sinabi ng isang babae pagkalampas ko sa grupo nila. Saglit akong napatigil bago ako naglakad ulit.
“Ano ka ba, narinig ka yata,” narinig kong sabi ng kasama niya habang papalayo ako. Parang tanga lang. Sa lakas ng bulong nung babae, lahat siguro ng tao dun sa garden eh nakarinig. Hindi ko alam kung nananadya ba o ano.
Nagpaikot-ikot pa ako sa garden ng mga kalahating oras hanggang sa sumakit na ang paa ko sa de-balat kong sapatos. Naghanap ako ng mauupuan kaso lahat ng mga mga silya ay may nakaupo na. No choice, kailangang bumalik sa loob.
Tinawag agad ako ni Papa pagkapasok ko. May kausap siyang babaeng may edad na. Tiningnan ako nung babae, at pagkatapos ay nakingiti niyang tinanong si Papa, “O, sino tong gwapong batang to?”
“Ito?” tanong ni Papa sabay akbay sa akin. “Bunso ko.”
Tumingin ang babae kay Papa at tumawa. Pero nung nakita niyang hindi tumawa si Papa, unti-unting nawala ang ngiti niya. “Seryoso? Mario, seryoso ka?”
“Pa, kakain muna ako ulit,” paalam ko. Narinig kong nag-uusap si Papa at ang babae nang mahina habang palayo ako. Pumunta ako sa mesa, kinuha ang plato ko at kumuha ng konting pansit. Pagkatapos ay binaba ko ang plato.
“Anak, pasensya ka na dun,” narinig ko ang boses ni Papa sa likod ko. Sumunod pala siya. Humarap ako sa kanya at nakangiting sumagot, “Ok lang yun pa. Wag mong isipin yun.”
“Hindi. Pasensya ka na talaga. Basta tatandaan mo-”
“Pa, ok lang,” mariin kong putol.
Natahimik si Papa. Pagkatapos ang ilang segundo, muli siyang nagsalita, “Pasensya ka na pala, ilang buwan na akong hindi nakakapagpadala sayo. Pinag-ipunan ko kasi tong kasal ng ate mo. Pakisabi din sa Mama mo, pasensya na.”
“Eh Pa, ikaw lang naman itong nagpipilit na magbigay eh. Ilang beses ka nang sinabihan ni Mama na wag nang magbigay pero tinutuloy mo pa din. Kaya naman kasi namin ni Mama.”
“Anak kita. May responsibilidad ako sayo,” sabi ni Papa. “At nakakahiya sa mama mo. Baka sabihin niya hindi kita kayang sustentuhan.”
“Nagpapakitang-gilas ka pa din kay Mama hanggang ngayon,” tawa ko.
“Alam mo namang kayong dalawa ang perfect wife at perfect na anak para sa akin,” sagot ni Papa. “Hanggang ngayon, kung papipiliin ako-”
“Pa, teka, kakain na ako,” bigla kong putol. Dinampot ko ang plato ko at dali-daling naglakad palayo. Nakita kong nakatayo pala si Tita Nona sa may likod ni Papa, at sa itsura niya, mukhang narinig niya ang lahat.
Nakiupo ulit ako kina Cathy. Doon ko na kinain yung pansit na kinuha ko. Maya-maya pa, nakita kong nagkukuhanan na ng litrato ang bagong mag-asawa kasama ang mga kaibigan nila. Pagkatapos nun eh yung lalake naman kasama ang pamilya niya. Nagbabalak pa lang akong lumabas nang biglang tinawag nung photographer ang pamilya ng babae. Pumunta sa harap sina Tita Nona at si Papa at tumabi kay Ate Jen. Ang saya nilang tingnan. Kitang-kita sa maputing mukha ni ate ang nag-uumapaw na kasiyahan. Bakas naman sa mukha ni Tita Nona na masayang masaya siya para sa anak niya.
“Jason, halika dito!” tawag bigla ni Papa sa akin. Bahagyang nawala ang ngiti nina Tita at Ate. Nagtinginan silang dalawa, pagkatapos ay humarap ulit sila sa photographer. Nakangiti pa rin, pero mas matamlay na kumpara kanina.
Napag buntung hininga ako habang tumatayo. Dahan dahan akong pumunta sa harap. Ayoko na sanang sumali pa, pero pipilitin lang ako ni Papa pag tumanggi ako. Lalo lang hahaba ang usapan. Kung bakit ba kasi hindi niya pa tigilan ang pagpipilit na ipasok ako sa pamilya niya. Anak ako sa labas, tulad nga ng sabi nung tsismosang babae sa garden kanina. Alam ko yun at wala akong problema dun. Siguro nung maliit pa ako, meron, pero ngayon? Wala na. Walang wala na.
Pero eto, nakatayo ako ngayon kasama nila. Masasali ako sa larawan ng pinakamasaya sanang araw sa buhay ni Ate. Naka akbay pa si Papa sa akin. Lalabas na naman akong nakikisiksik nito sa pamilya nila. Pag-bubulungan na naman ako ng mga tsismosa paglabas ko. Tititigan na naman ako nung babaeng kanina lang ako nakilala. At ako na naman ang batang sumira sa masayang pamilya nila.
Si Papa talaga.
halaka....ermmmm...
ReplyDeletenatawa ko don sa tita Nelia mu...jajaja..
malamang d u n nga sya naalala nun...la leng.
nung sinabing pandesal..parang gusto ko tuloy ng pandesal.. pero totoong storya ba toh nishi? Ang hirap naman ng kalagayan mo... pero kinatuwa ko toh kase hindi ka pa rin pinapabayaan kahit papaano ni papa mo.
ReplyDelete:(
kahit ako iniisip ko kung may anak ba sa labas tatay ko. pero.. ewan ko..hindi kase umaamin si dadi.. lol..kaya nakakainis.
Wow... hindi ko ito naexperience at never ko nang maeexperience... napa-Oo nga ano? na lang ako habang binabasa ko ito...
ReplyDeletetrue to life ba ito?
ReplyDeletevideoke nlang. papaiyakin kita. nde ka mananalo sa kin. hahahaha!
ReplyDeleteayos ang kwento huh?! ganyan pala maging anak sa labas?!
ReplyDeletefollow kita ha? :)
blood is still thicker than water...
ReplyDeletei salute your dad for that, hayaan mo na,masaya siya at mukhang sincere naman,pero I also feel how awkward that would be for you...teka ang gulo ko hahaha!
ReplyDelete"True to life ba ito?" Hehe. Kaw talaga! Asus. Alam ko namang okay ka lang sa ganyan. Tapos na tayo sa kadramahan ng pamilya, diba? Hahahaha.
ReplyDeleteHango yan sa mga actual na karanasan ko. Pinagsama-sama ko na lang sa iisang kwento.
ReplyDelete@lhuloy: diba? lol.
@kamila: kung tama ang hinala mo, baka kaya hindi siya umaamin eh para di na madamay yung bata.
@glen: yown, kaya ko sinulat to eh para magka-idea ang mga tao. =D
@kraehe: ano na topic natin? haha.
@nox: tse. mema comment. lol.
@kristia: sige lang, follow lang. =P
ReplyDelete@rafter: i didn't even notice the difference.
@mac: oo nga gulo mo. haha. no, i get what you're trying to say.
@hayme: haha. sinulat ko lang para makasilip ang mga tao kahit papano sa buhay ng tulad ko. chawr.
“Ah oo, yan yung anak ni Mario sa labas. Bakit andito yan?” narinig kong pabulong na sinabi ng isang babae pagkalampas ko sa grupo nila. Saglit akong napatigil bago ako naglakad ulit.
ReplyDeleteYou must be a very patient person. Had I been in your shoes, I could have went juramentado then and there.
Saludo ako sa yo bro. Kahit di ako anak sa labas(sa pagkakaalam ko), nakakarelate ako sa yo :)
ReplyDeletehello napalanding dito sa blog ninyo, bagong bloggera po... hindi ko po maintindihan kung bakit ang tingin ng ibang tao sa sarili ay angat kesa sa iba... hindi ako anak sa labas pero ang lolo ko anak daw sa labas kaya parang hindi kinikilala yun buong angkan namin... anyways wala man akong karapatang magpayo dahil hindi mo nmn yata kelangan, ehh sasabihin ko pa rin... let Karma hunt them down... hehehe cheer-up!!!
ReplyDelete@splice: it was a virtue developed over the years.
ReplyDelete@houseboy: haha. thanks.
@youni: oh well, i do what i can to change things. salamat sa pagdaan. =)
Anak din ako sa labas and I didn't have good relationships with the past and present members of the family tree. It was only now na nagkakaintindihan kame dahil matatanda na kame. Bilib ako sa papa mo, matapang siya na ipakita ka sa lahat at ituring na parte ng pamilya. Masaya ako para sa'yo kahit na alam kong napaka-awkward noon. Hehe! :)
ReplyDeleteHappy weekend Nishiboy! =)