Pagkatapos kong i-speed read ang entries ko dun for five minutes, nakapili ako ng tatlong potential entries:
- As X Approaches Infinity
- Acceptance
- Kung Nagkataon
But no, hindi ako makapili kung alin sa kanila ang isasubmit, kaya nagdecide akong humingi ng tulong sa mga kaibigan. Tumingin ako sa Buddy List ko at isa-isa akong nag-YM ng mga qualified na hurado. Gusto ko sana makakuha ng limang judges.
Eto ang sabi ko: Bigyan ng 2pts ang pinakamagugustuhan, tapos 1pt sa runner-up. Parang nomination night lang.
Judge#1: Honey (best friend ko sa opisina)
Honey: Yung una ang pinaka gusto ko…, Tapos yung panghuli…, Pero di ganun kalayo ang agwat…,
Nishiboy: Pangit ba yung pangatlo?
Honey: Ayoko ng tagalog…,
Nishiboy: Bakit?
Honey: Wala lang, maiba lang…,
Nishiboy: Ok. Eh di 2pts sa una, 1 pt sa panghuli?
Honey: Hindi, malapit lang ang agwat…, More like…
Scores ni Honey:
- As X Approaches Infinity – 1.75
- Acceptance – 0
- Kung Nagkataon – 1.25
Judge#2: Kraehe (blogger na kakilala ko na mula pa nung nag-aadik adik kami pareho sa online games)
Kraehe: Hmm.. Gusto ko yung second.
Nishiboy: Bakit?
Kraehe: Eh itodo mo na ang pagka-emo kung emo rin lang.
Nishiboy: Wow. Salamat.
Kraehe: Tapos tabla sila nung last. So one point pareho.
Nishiboy: Ha? Di ka ba pwede pumili ng mas gusto mo? Tsaka total of 3pts ang kailangang i-allocate. Di pwedeng 1pt sila pareho.
Scores ni Kraehe:
- As X Approaches Infinity – 0
- Acceptance – 1.5
- Kung Nagkataon – 1.5
Judge#3: DSM (blogger friend mula pa sa luma kong blog)
DSM: I vote for…
Nishiboy: …?
DSM: wait for it…
DSM: Acceptance.
Nishiboy: Uy, leading si Acceptance ah. Bakit siya?
DSM: Because love is a positive message and despite the bitterness, that post is positive and hopeful.
Nishiboy: Tangina, ang lalim ah. Teka, so alin second choice mo?
DSM: Wala. Give all my points to acceptance.
Scores ni DSM:
- As X Approaches Infinity – 0
- Acceptance – 3
- Kung Nagkataon – 0
Judge # 4: Cupcake (senior dev naming na naka sick leave, pero online pa din at nagwowork at home)
Nishiboy: Nabasa mo na?
Nishiboy: …?
*Cupcake is Idle*
Nishiboy: Cupcake?
Nishiboy: Still there?
Cupcake: Gusto ko yung pangalawa. Nakakaiyak.
*Cupcake has signed out*
Scores ni Cupcake:
Di na ako naghanap ng panglimang judge.
Nakapili pa din ako ng isasubmit.
At ang aking napili ay…
Wala sa tatlong yan.
Na-realize ko kasing masyadong personal yang mga yan, kaya pumili ako ng iba. Ok din naman yung napili ko.
ay...magpapakafeelingerang judge na sana ako e hihi :D
ReplyDeletemagaabang nalang ako O_O
hahaha paeta jap, wala diay gihapon kwenta ang among opinion hahaha. good luck!
ReplyDeleteano napili mo? Grabe... nakaka-high naman ang pag-eeffort mo na magsubmit talaga ng maganda.. salamat naapreciate ko naman yun!!!
ReplyDeletekung di sasali can we read them? hehe
ReplyDeleteHahaha talagang pinost nya to. Natawa ako, di mo naman kasi sinabi nung una na mag-allocate pala ng points sa napili at sa runner-up. Sabi mo lang pumili ng magandang ipang-entry lol.
ReplyDelete@Kamila. NAGPAPAKASIPSIP lang yang si Nishi sa Judge!
ReplyDelete@Nishi. At talagang hindi ako piniling mag-judge??? (Major Tampo)
@exanthiel: ipopost ko soon. =)
ReplyDelete@kamila: likas talagang competitive. haha.
@ced: nabasa mo na yan lahat ah. nasa lumang blog ko yan sila.
@kraehe: eh nung sinabi ko na? tabla pa din eh.
@cy: you're giving me bad rep. lol. at indi kita napili kasi OFFLINE KA!
lol nalaktawan kita DSM. wala kasing picture.
ReplyDeletenaa may kwenta. like nagkwenta gyud ko kung pila ang total. yawa daghan kaayoy decimals.
pabasa din ako nung 3... :)
ReplyDeletefollow na din kita..